Ngayon po ay ika dalawampu’t Isa ng Desymbre
Sa unang pagkakataon ako’y sumulat ng isang blog na ginamit ko ang wikang Filipino.
Para po sa lahat, hindi po lingid sa ating kaalaman ang nangyari sa Mindanao partukular sa Iligan at Cagayan de oro noong nakaraang Sabado Desymbre 17 taon dalawang libo at labing isa, Sinalanta ng bagyong Sendong ang kabisaya-an at ang MIndanao at nag dulot ng baha sa nasabing lugar. Marami po ang nawalan ng tirahan, marami po ang nawalan ng hanap buhay at marami din po ang namatay. Yan po ang dulot na walang humpay na ulan dala ng bagyong sendong.
Sa mga pangyayaring ito, hindi maiiwasan ang mag tanong na ano kayang gagawin ni Pangulo Binigno “noy-noy” Aqunio. Ano kaya ang mga plano niya noong kasag-sagan ng bagyong sendong. Saan po bah siya. Sino ang kasama niya.
Napag-alaman po sa isang tweet ng actress na si Valerie Conception na andoon po siya kasama si Pangulo sa isang party ng mga PSG sa Malacanang at masayang nakikiparty sa kasagsagan ng bagyong Sendong. .
Maraming nagalit, maraming bumatikos kay Pangulong Aquino dahil umanoy nakuha pa ng Pangulo na dumalo sa party habang ang kabisaya-an at Mindanao ay sinasalanta ng bagyong sendong. Maraming mga kuro-kuro, marami ng nakisawsaw sa isang tweet ng aktres.
Ito tayo, wala tayong alam kundi mag-sisihan, hahanap tao nga taong mapagbubuntungan ng galit. Sa sa pagkakataon na ito si Pangulo Noy-Noy at ang mga Aqunio dahi lang sa isang tweet ng aktres tungol sa pag dalo ni Pangulo sa isang PSG party.
Agad dumipinsa ang mga babeng kapatid ni Pnoy:
"Ngayon, 'yun namang party ay matagal nang naka-schedule 'yon. Siyempre, may mga masasamang nangyayari at may malungkot but then, life should go on. Hindi naman pwedeng huminto na lang ang buhay at magmukmok na lang tayo” -Balsy Aqunio
"Sana huwag napakabilis ng batikos kasi napakaraming ahensiya ang nagtatrabaho na. It's just that a President is not like you or me na we can hop on a plane and go there because there are a lot of national concerns. -Kris Aquino
Yan din ang nag pagalit ng todo sa ng mga kapatid nating Pilipino. Ilang nating kababayan ay nagpahayag ng pagadismaya at galit. Partiluar na sa bagong Media ngayon na Internet, maraming mga negatibong commento at marami din naman positibo.
Niintindihan ko ang aking mga kapatid na Pilipino na magalit ng ganoon. Hindi Biro na mawalan ng Tirahan, hanap buhay, at higit sa lahat mawalan ng mga kamag-anak,Yan na ata ang pinakamasaklap.
Para ho sa akin, ang statement ng mga Babaeng Kapatid ng Pangulo ay depende yan sa mga nakikinig at bumabasa.
Punto per punto
- Tama ho si balsy ang kabuo-an ng statement niya ay ang pag-move on. Wala na po tayong magagawa sa mga pangyayari. Ang magagawa na lng natin ay tumulong.
- Tama din po si Kris. Maraming ahensiya ang Gobernyo. At may itinalaga ang Pangulo upang magasi-wa nito. Sapanahon ng bagyo Anjan ang Pag-asa, NDCC. Andajan din ang DSWD para mag hatid ng tulong. May local Government po.. Barangay captain, mayor, governor upang mangasiwa sa isang probinsya o lugar. Malaki ang Pilipinas di po kaya ng isang pangaluo na siya na lang ang lahat.
- Ano kaya ang gusto ng ilang tao, si Pangulo mismo ang Lulusong ng baha, siya ang mag rescue at siya din ang mamahagi ng Relief good?
- Kahit sino din naman ang Pangulo ng Pilipinas, binabatikos nito. Hinahanap ng mali.
- Hindi sulosyon ang magsisihan, tumulong na lang
Hindi po ako taga Iligan at Hindi po ako taga Cagayan de Oro, Pero Bilang Pilipino, may responsibilidad akong para tumulong. Yan na lang sana ang ating magagawa! Ang magsisihan ay walang mabuting maiidulot. Hindi po ako Pro-Aqunio o Anti-Aquino. Alam natin na maraming nawalan ng tirahan, maraming nawalan ng hanap buhay at maraming namatay. Tama po, mahirrap po na tangapin ang lahat. Pero sana naman yong mga tao hwag ng dagdagan ang hirap na dinadaranas nila ngayon. TUMULONG NA LANG TAYO BILANG ISA DIN PILIPINO.
SA IBABA PO AY MGA MGA LINK KUNG GUSTO NIYONG TUMULUNG AT MAG BIGAY NG DONASYON:
The image above was found by Google Image Search and may be subject to trademark or copyright
No comments:
Post a Comment