Dahil araw ng kasarinlan ngayon, trip ko'ng managalog, ito ay pangalawa ko'ng entry na ginamit ko ang Pambansang Wika na Tagalog. Noong una ay kay Pangulo ngayon ng Pilipinas na si PNOY tungkol sa bagyong sendong. Eh paano naman kasi hirap akong managalog ( purong cebuano kasi ha-ha-ha)
Sa kulay na ASUL, PULA, DILAW, PUTI (minabuti kog gawing kulay black ang salitang puti dahil hindi ito mababasa sa background ko na puti) Masabi ko na sa kulay na ito tayo ay Malaya!
Sa kulay na ASUL, PULA, DILAW, PUTI (minabuti kog gawing kulay black ang salitang puti dahil hindi ito mababasa sa background ko na puti) Masabi ko na sa kulay na ito tayo ay Malaya!
... Magandang Araw, ngyon ay ika labing dalawa ng Hunyo taong dalawang libo at labingdalawa, at ARAW NG KALAYAAN NG BANSANG PILIPINAS . So ayon binabati ko ang mga PILIPINO katulad mo na Maligayang Araw ng Kasarinlang ng mahal na Bansang Pilipinas!
Isa sa mga hinihintay nating lahat ( eh sana lahat tayo) na selebrasyon patungkol sa Pilipinas ay ang araw ng KASARINLAN NG BANSANG PILIPNAS. Totoo naman dahil sa araw na ito ay pinagdidiwang natin yaong araw na ang Pilipinas ay Lumaya sa mananakop ng ibang malalaking bansa, Oo! marahil palagi na lang tayong nakakarining ng linyang nasabi ko tungkol sa paglaya ng Pilipinas sa mga mananakop, Kinakailangan ko'ng ulitin para naman tayong mga Pilipino ay hindi makalimot sa hirap nga ating mga bayani para lang makamit ito!
Sabi nila ang mga PILIPINO daw ngyon ay hindi na makabayan dahil daw naimpluwensyhan na tayo ng sari-saring kultura tulad bansang Korea, Hapon, Englatera, Estados Unidos, ecetera. Ang pagdating na uso ngyon na musika ng Korean pop o mas kilala bilang K-POP ay patok na patok naman ngayon sa mga kabataang Pinoy o panga-gaya daw sa mga istilo nila, o di kaya daw nawawala na ang ating pagiging makabayan dahil sa mga banyagang palabas, etcetera...Sa totoo lang hindi naman ako naniniwala na nawawala na ang pagiging makabayan ng mga Pilipino dahil sa katunayan marami naman o halos lahat naman tayo ay pinagmamalaki natin na tayo ay Pilipino sa isip, sa salita at marahil sa Gawa! yon nga lang tinatangkilik natin ang mga banyagang ito dahil pamamaraan ito para yakapin ang mga pagbabago pero hindi ito kabawasan sa pagiging Pilipino.
So yon, na try niyo na bah na magsabit nang watawat sa harap ng bahay ninyo? Kasi ako iyon ang gagawin ko sa unang pagkakaton na magsasabit ng watawat ng Pilipinas sa labas ng aming bahay upang makiselebrate sa araw ng kasarinlan ng ating bansa!
Maalala ko, pinaka engrande palang selebrayon ng ating kasarinlan ng Pilipinas ay noong taong mil nobesyentos nobentay otcho (1998) kung saan pinagdiwang natin ang ika isang daan siglo na pagiging malaya natin sa kamay ng kastila. Tinagurian itong PHILIPPINE CENTENNIAL Itoy pinapangunahan ng dating Pangulong Fedil V. Ramos. Pinagdiwang sa buong Pilipinas maging sa ibang bansa na may Pilipino. Ang highlights sa selebrayon na iyon ay ang pagbukas ng EXPO PILIPINO sa Clark air Base sa Angeles Pampanga.Ang Expo na ito ay nagpapakita ng pag unlad ng Pilinas sa nag daang isang siglo!
Ngayon ay ika Isang Daan at labing-apat na taon na ang nakakalipas mula noong ikaw 12 ng Hunyo 1898 na idineklara ng Kaunaunahang Pangulo ng Pilipinas na si General Emilio Aguinaldo sa kanyang bahay sa kawit Cavite sa pagitang ng alas tres hanggang alas kwatro ng hapon ang kalayaan ng PILIPINAS!
Ang sarap pala bilang isang PILIPINO sa isip, sa salita at a gawa! Sa mga Kapwa ko PILIPINO Binabati ko kayo ng Maligayang araw ng KALAAYAN... Mabuhay!
No comments:
Post a Comment